Arts in Practice Grants

Arts in Practice Grants

Mga Grant sa Sining sa Pagsasanay

Pinahuhusay ng Mga Grant sa Paglalapat ng Sining ang edukasyon sa sining sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga personal at may pakikilahok na mga residensiya/mga palihang pinamumunuan ng mga alagad ng sining na nakalista sa Talaan ng mga Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA. Ito ay isang patuloy na programa ng grant at ang mga aplikasyon ay sinusuri ng mga kawani ng Komisyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang pagkakatanggap. Kinakailangan ang 15% katumbas na salapi para sa grant na ito.

Layunin

Napalalawak ang akses sa mga de-kalidad na residensiya na pinamumunuan ng mga alagad ng sining sa buong Virginia.

Paglalarawan

Ang Mga Grant sa Paglalapat ng Sining ay tumutulong na matiyak na ang mga taga-Virginia ay makararanas ng pagpapayaman sa programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng mga residensiyang pinamumunuan ng mga dinamikong alagad ng sining. Ang programa ng grant na ito ay idinisenyo upang
maibalik ang ginugol sa karapat-dapat na mga organisasyon na nakikipagtulungan sa mga alagad ng sining na nasa Talaan ng mga Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA hanggang sa 50 bahagdan ng mga bayarin sa residensiya/palihan. Ang Mga Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA ay nagrereserba ng mga pagtatanghal sa mga organisasyon, na pagkatapos ay nag-aaplay para sa Mga Grant ng Paglalapat ng Sining. Ang mga gawain ng Paglalapat ng Sining ay kailangang isagawa nang personal ngunit maaaring mag-iba sa haba at anyo. Ang mga gawaing ito ay idinisenyo upang suportahan ang magkakaibang saklaw ng mga kapaligiran sa pagkatuto para sa mga kalahok ng lahat ng edad, at/o mga pagkakataon para sa propesyonal na pag-unlad ng mga tagapagturo.

Mga Kwalipikadong Aplikante

  • Virginia federally tax-exempt na mga paaralan (pampubliko, pampublikong charter, pribado, alternatibo, espesyal na edukasyon na paaralan, homeschool, karera at teknikal na sentro, kolehiyo, at unibersidad)
  • Virginia nonprofit 501(c)(3) na mga organisasyon
  • Mga yunit ng Virginia ng mga lokal at pantribo na pamahalaan (kabilang ang mga aklatan, mga departamento ng mga parke at libangan, mga pasilidad sa pagwawasto, atbp.)

TANDAAN

  • Ang mga organisasyong tumatanggap ng mga GOS grant ay hindi maaaring mag-aplay para sa Mga Grant sa Paglalapat ng Sining.
  • Ang mga karapat-dapat na aplikante ay maaaring mag-aplay para sa hindi hihigit sa dalawang Mga Grant sa Paglalapat ng Sining sa loob ng isang taong pananalapi.

Mga Kinakailangan sa Kwalipikasyon

  • Natutugunan ang mga pangunahing kinakailangan sa pagiging karapat-dapat tulad ng nakalista sa pahina 9 ng FY26 Mga Alituntunin para sa Pagpopondo
  • Ang lahat ng pagpoprograma ay dapat isagawa sa mga pasilidad na sumusunod sa ADA sa Virginia
  • Hindi dapat nasa ilalim ng kasalukuyang debarment o pagsususpinde mula sa pederal na pagpopondo
  • Dapat ay walang mga huling huling Ulat sa VCA sa oras ng aplikasyon

Mga Karapat-dapat na Aktibidad

  • Personal na may pakikilahok ng mga residensiya na pinamumunuan ng mga Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA, na magaganap sa Virginia mula Hulyo 1, 2025 hanggang Hunyo 15, 2026.
  • Maaaring kabilang sa mga gawain ang mga palihan, mga proyektong pansining sa komunidad, o propesyonal na pag-unlad para sa mga tagapagturo ng sining, at dapat may kasamang bahagi na may partisipasyon.
  • Ang mga programa ay dapat na bukas sa publiko, at ang aplikante ay dapat magbigay ng publisidad sa buong komunidad. Ang mga paaralang elementarya at sekondarya, mga pasilidad para sa paninirahan ng nakatatanda, mga pasilidad ng koreksiyon, at mga ospital ay hindi saklaw ng pangangailangang ito.

TANDAAN

  • Ang Mga Grant sa Paglalapat ng Sining ay hindi nilalayong suportahan ang mga konsiyerto, mga pagtitipon, o mga lakbay-aral. 
  • Kinakailangan ang pagtataya upang sukatin ang pagiging epektibo ng resedensiya sa pagtugon sa mga layunin ng programa.

Deadline ng Application

Ang Paglalapat ng Sining ay isang patuloy na programa ng grant na magbubukas sa Hulyo 1, 2025. Ang mga aplikasyon ay sinusuri sa batayang "kung sino ang unang nagpasa" ng mga tauhan ng Komisyon hanggang Abril 1, 2026. Ang mga aplikante ay dapat magpasa ng aplikasyon ng hindi bababa sa dalawang linggo bago ang gawain.

Halaga ng Tulong

Hanggang 50 bahagdan ng mga bayarin sa residensiya o palihan para sa mga programang nakalista sa Talaan ng mga Nagtuturong Alagad ng Sining, na may pinakamataas na pagbabalik ng bayad na $2,000, at napapailalim sa pangkalahatang limitasyon ng pagpopondong inilaan para sa bawat Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA. Ang mga gantimpala ng Paglalapat ng Sining ay ibinibigay sa organisasyong kasosyo na nag-aaplay para sa grant (hindi sa Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA), na may pananagutan sa ganap na pagbabayad sa Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA.

TANDAAN: Ang mga grant ng Paglalapat ng Sining ay sumusuporta sa mga nakakontratang mga propesyonal na bayad, mga gastos sa paglalakbay, at mga suplay na may kaugnayan sa iminungkahing gawain ng grant. Ang mga gastusin sa proyekto ay pinagkasunduan sa pagitan ng organisasyon at ng Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA. Ang mga propesyonal na bayad ay dapat na katumbas o lumampas sa 50 bahagdan ng kabuuang gastusin ng proyekto.

Cash Match

Ang mga parangal ng grant sa mga organisasyon ay dapat isama ang 1:1 tumbasan sa halaga ng salapi. Halimbawa, kung ang isang organisasyon ay humihiling ng $1,000 mula sa VCA, dapat itong magkaroon ng hindi bababa sa $1,000 kita sa anyo ng salapi mula sa ibang mapagkukunan (maliban sa mga pondo ng estado o pederal) para sa mga gastusin ng parehong proyekto. Maaaring kabilang sa mga mapagkukunan ng pagtutugma ng pondo ang kita mula sa mga gawain ng proyekto tulad ng mga pagbebenta ng tiket, mga kontribusyon mula sa mga foundation o mga korporasyon, suporta ng gobyerno mula sa mga pederal o lokal na mapagkukunan, o salapi mula sa sariling mga akawnt ng organisasyon.

Mga Kinakailangang Attachment

Ang mga sumusunod na form ay ibinigay ng Komisyon sa pamamagitan ng pag-upload sa online na aplikasyon ng grant:

  • Pormularyo ng Badyet ng Proyekto 
  • Nilagdaang Sertipikasyon ng mga Kasiguraduhan 
  • Pormularyong W-9 ng Virginia 

Ang lahat ng mga aplikante ay kinakailangang lumikha at mag-upload ng sumusunod na mga dokumento:

  • Nilagdaang kontrata sa pagitan ng Nagtuturong Alagad ng Sining at Facilitator 
  • IRS 501(c)(3) Liham ng Pagpapasiya

Application/Review/Proseso ng Pagbabayad

  1. Maaaring makipag-ugnayan ang mga aplikante sa mga Nagtuturong Alagad ng Sining sa online na Talaan ng mga Nagtuturong Alagad ng Sining, at tiyakin ang mga reserbasyon para sa mga residensiya at mga palihang magaganap mula Hulyo 1, 2025 hanggang Hunyo 15, 2026.
  2. Ang mga kahilingan sa Paglalapat ng Sining ay hindi dapat lumampas sa 50 bahagdan ng bayad sa kontrata ng isang Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA para sa kabayaran ng residensiya/palihan. Dapat mag-upload ang mga aplikante ng mga nilagdaang kontrata kasama ang kanilang napiling Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA sa aplikasyon. Ang lahat ng pag-uusap tungkol sa uri at iskedyul ng mga gawain, mga bayarin, mga teknikal na pangangailangan, at mga pagsisikap sa promosyon ay responsibilidad ng bawat Nagtuturong Alagad ng Sining ng VCA at ng aplikante, at ang mga napagkasunduan ay dapat isama sa kontrata. Ang bawat kontrata ay dapat maglaman ng sugnay ng kawalang katiyakan ng VCA: “Ang kontratang ito ay nakasalalay sa pagtanggap ng kaloob na Grant ng Paglalapat ng Sining na nagkakahalaga ng $____ mula sa Virginia Commission for the Arts.”
  3. Ang mga aplikante ay dapat kompletuhin at ipasa ang online na aplikasyon sa Komisyon nang hindi bababa sa dalawang linggo bago ang iminungkahing residensiya/palihan.
  4. Sinusuri ng mga tauhan ng Komisyon ang bawat aplikasyon para sa pagkakompleto at pagiging karapat-dapat. Ang mga hindi kompleto o hindi karapat-dapat na aplikasyon ay hindi susuriin, ibabalik sa aplikante na may paliwanag, at hindi popondohan.
  5. Ang Mga Grant sa Paglalapat ng Sining ay hindi awtomatiko at ang mga liham ng kumpirmasyon/pagkakaloob ng grant ay karaniwang ipinapadala sa pamamagitan ng email dalawang linggo pagkatapos matanggap ang isang kompleto at aprubadong aplikasyon.
  6. Ang pagbabayad ay isasagawa nang buo kasunod ng pag-apruba sa gantimpala, karaniwang sa loob ng 30 araw.
  7. Ang mga aplikante ay kinakailangang magpasa ng Pangwakas na Ulat sa loob ng 30 araw pagkatapos makompleto ang mga gawain. Ang mga pormularyo ng Pangwakas na Ulat ay matatagpuan sa dashboard ng aplikante. Ang hindi pagpapasa ng Pangwakas na Ulat ay makaaapekto sa pagpopondo sa hinaharap.
  8. Kung ang sinumang aplikanteng tumatanggap ng subsidyo para sa isang grant ng Paglalapat ng Sining ay may aktuwal na kita pagkatapos ng mga gastusin, dapat gamitin ng aplikante ang mga karagdagang pondong ito para sa iba pang mga gawaing pansining, at dapat pinayagan ng Komisyon ang paggamit ng alinman sa mga labis na pondong ito hanggang sa halaga ng grant.
Laktawan patungo sa nilalaman